Tula Tungkol Sa Pagkain

Binubusog Ako!halimbawa ng mga tula panitikan.com.ph tagalog kahulugan ipaliwanag

Marami ang sa aki’y natutuwa, pisngi ko’y kinukurot,
natutuwa sila sa siksik na damit kong paboritong isuot.
Tanong nila, ano raw ang sekreto sa katawang malusog?
Sabi ko, kasi lagi lang naman akong sa pagkain ay busog.

Bilin ni Nanay ay laging kumain ng paboritong gulay,
mula sa kalabasa, ampalaya, at paborito kong malunggay.
Kailangan din siyempre ay mayroong mga prutas,
na gustong-gusto ko namang gawing aking panghimagas.


Sustansya din ng inumin dahilan ng paglusog ko,
mula sa gatas, at pag-inom ng tubig hanggang walong baso.
Mga pampalakas na pagkain tulad ng mais at keso,
kailangan ng katawan upang tumibay ang mga buto.

Pagpili ng pagkain ay tunay na mahalaga,
kung nais ang katawan ay lumusog at sumigla.
Malusog na pagkain para sa mga bata at matanda,
kung nais mong mabuhay nang matagal at mahaba.

Kahulugan at Paliwanag

Tungkol sa kahalagahan ng masustansiyang pagkain ang tula. Mula sa pinakakailangan ng katawan na prutas at gulay, hanggang sa mga inuming may sustansiyang taglay.

Hindi lang din para sa mga bata ang pagkain ng masustansiya. Dahil maging ang mga matatanda ay kailangang kumain nito upang humaba ang kanilang buhay.


Ang mga tula po na ito na pinamagatang Tula Tungkol Sa Pagkain ay original na gawa ng Panitikan.com.ph. Sana po ay nagustuhan ninyo at may napulot kayong aral sa post na ito. Kung gusto ninyo pang magbasa sa naturang topic na ito, check lang po ninyo ang mga nakalista sa baba. Maraming salamat sa pagtangkilik! :)