Yaman Ng Tahanan
Yaman ng tahanan namin ang mga tawanan,
sa maraming bagay, kami ay may napagkakasunduan.
Pasiyahin at igalang ang bawat isa’y di nalilimutan,
kaya naman natatangi ang pagsasamahan.
Yaman ng tahanan namin ang pagtutulungan,
laging mayroong kamay na handang umagapay.
Ibinibigay anuman ang aming mga kailangan,
handang maglaan ng oras at tiyaking mayro’ng gabay.
Yaman ng tahanan namin ang respeto,
sumusunod sa mga payo at anumang panuto.
Batid naming ito ay para sa aming ikabubuti,
lumaking magalang at mayroong disiplina sa sarili.
Yaman ng tahanan namin ay ang pamilya,
samahang hindi matatawaran ng iba pang relasyon.
Sa loob ng bahay ay puno ng pag-asa at saya,
basta sama-sama ay nakakayanin anumang hamon.
Kahulugan at Paliwanag
Tungkol ito sa pagmamahalan ng pamilya sa loob ng tahanan. Maraming naibibigay ang pamilya na kailangan ng bawat isa para umunlad at magpatuloy sa buhay. Kaya naman ang turing ng mga ito sa kanila ay yaman.