Tula Tungkol Sa Pasasalamat Sa Diyos

Tingin Sa Taashalimbawa ng mga tula panitikan.com.ph tagalog kahulugan ipaliwanag

Tingin sa taas at magpasalamat sa biyaya,
sa mga bagay na ipinakakaloob Niya.
Sa bawat araw na ibinibigay upang lumigaya,
sa pagkakataong bumangon sa bawat umaga.

Tingin sa taas at masdan gandang walang kapantay,
sa mundong ginagalawan, mundong nagbibigay-buhay.
Sa yaman ng kalikasang kaniyang ibinibigay,
upang magkaroon ang buhay ng kakaibang kulay.


Tingin sa taas at pasalamatan ang mga nilalang,
mga taong itinatangi, minamahal mong tunay.
Marami man o kakaunti ang kanilang bilang,
biyaya ang kanilang pagkalingang walang kapantay.

Tingin sa taas, wala kang katulad, o Diyos,
sa mga ibinibigay mong ramdam ko’y lubos.
Mula sa maliliit at malalaking regalo na mula sa ‘yo
isang malaking pasasalamat ang laging handog ko.

Kahulugan at Paliwanag

Ang tula ay tungkol sa pasasalamat sa Diyos para sa mga biyayang ipinagkakaloob niya sa ating buhay. Ang mga biyayang nakalakip sa tula ay mga biyayang mahahalaga ngunit hindi natin nabibigyang pansin madalas.

Sa mundo kasi natin, ang biyaya ay iyong mga bagay na gusto lang nating makuha. Pero ang totoo, mas maraming malalaking ibinibigay ang Diyos na kailangan lang nating pahalagahan.


Ang mga tula po na ito na pinamagatang Tula Tungkol Sa Pasasalamat Sa Diyos ay original na gawa ng Panitikan.com.ph. Sana po ay nagustuhan ninyo at may napulot kayong aral sa post na ito. Kung gusto ninyo pang magbasa sa naturang topic na ito, check lang po ninyo ang mga nakalista sa baba. Maraming salamat sa pagtangkilik! :)