Tula Tungkol Sa Pilipinas

Lupang Mahal, Perlas ng Silanganhalimbawa ng mga tula panitikan.com.ph tagalog kahulugan ipaliwanag

Kalat-kalat na isla, iisa ang adhika,
ang isagaw ang pagmamahal sa kanilang bansa.
Mga bituin, puti, dilaw, at maging pula,
sabay-sabay iwagayway kanilang bandera.

Nang magsabog ang Diyos ng mga biyaya,
kalikasan ng kanilang bansa ay tunay na sagana.
Mula sa magagandang tanawin at likas-yaman,
pati na sa mga talentado nilang mamamayan.


Nasakop man ng ibang bansa, daang taong nabilanggo,
mga bayani naman ay lumaban at hindi nagpatalo.
Nakamit ang inaasam na kasarinlan na ipinaglaban,
ngayon ay mayroong sariling landas na pinagyayaman.

Perlas ng Silangan tawag sa kanilang minamahal,
bansa na puno ng pagpupursigi at iniingatang dangal.
Sa puso nila ay tunay na makinang at walang kupas,
tunay ang pag-ibig para lupang mahal, ang Pilipinas.

Kahulugan at Paliwanag

Ang tula ay tungkol sa pagpapakita ng ganda ng kasaysayan, kultura, at likas-yaman ng Pilipinas. Sa kabila ng kinahaharap na pagsubok ng bansa, mas mainam na makita ang kagandahang mayroon tayo upang maibalik din ang pagkakaisa na daan naman sa pag-unlad.


Ang mga tula po na ito na pinamagatang Tula Tungkol Sa Pilipinas ay original na gawa ng Panitikan.com.ph. Sana po ay nagustuhan ninyo at may napulot kayong aral sa post na ito. Kung gusto ninyo pang magbasa sa naturang topic na ito, check lang po ninyo ang mga nakalista sa baba. Maraming salamat sa pagtangkilik! :)