Katanungan
tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid?
Sagot
Pastoral ang tawag sa tulang naglalarawan ng simpleng paraan ng pamumuhay sa bukid. Hindi lamang ito patungkol sa buhay pagpapastol ng isang pastol, o tagapangalaga ng mga hayop.
Ang uri ng panitikan na ito ay sakop rin ang simpleng pamumuhay na mayroon ang mga tao. Maging ang usaping simpleng pag-ibig ay maaaring maging paksa sa isang tulang pastoral.
Sa Pilipinas, ang tulang pastoral ay kadalasan naglalarawan ng pamumuhay sa bukid bagamat agrikultura ang pangunahing hanapbuhay ng mga mamamayan.
Sa dami ng lupang nasasakupan ng ating bansa, sagana tayo sa mga plaayan at bukirin na nagiging paksa ng ating mga panitikan.