Katanungan
tumulong sa pagbili at pagbebenta ng pagkaing butil?
Sagot
Ang National Food Authority o NFA ang tumutulong sa pagbili at pagbebenta ng pagkaing butil gaya ng bigas.
Ang Pambansang Pangasiwaan ng Pagkain o sa ingles ay NFA o National Food Authority ay isang ahensiya ng pamahalaan na nasa ilalim ng patnubay ng Department of Agriculture.
Ito ang siyang nangangalaga at tumitiyak na ang suplay ng bigas at presyo nito sa merkado ay makatarungan. Ang ahensiyang ito ay nabuo sa ilalim ng Presidential Decree Blg. 4 noong ika 26 ng Setyembre taong 1972.
Na kung saan ang layunin nito ay mapaunlad ang industriya ng agrikultura partikular na sa palay, mais, at iba pa.