Tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan?

Katanungan

tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan?

Sagot verified answer sagot

Ito ay ang Kultura. Makikita na laganap at mayaman pa rin ang sariling kultura ng Pilipinas na kung saan nape-preserba ang mga sinaunang kagamitan, nakagisnan ng mga ating ninuno, damit, at iba pang mga praktika sa lipunan.

Kadalasan ay natatabunan ang orihinal na kultura sa iba’t ibang lugar ngunit ang kahalagahan ng pag aangat muli sa mga kultura ng bawat isa ay para mabalikan ang pundasyon ng mga pinagmulan ng bagay sa isang bansa.

Bukod pa rito, dapat din ugatin ang kasaysayan ng iilang mga tradisyon upang mas maunawaan ang mga aral at kahalagahan nito dahil ito ay identidad ng isang lugar.