Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal ba kaayuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard?

Katanungan Sagot

Katanungan

Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaayuan

Sagot verified answer sagot

Ang tawag sa paghahandang ginagawa sa pisikal na kaanyuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama ng hazard ay Structural Mitigation.

Ang Mitigation o pagpapagaan sa mga bagay na maaaring makapaminsala o makapagdulot ng lubos na sakit at pagkasira ay nahahati sa dalawa – ang structural mitigation at Non-structural mitigation.

Ang Structural mitigation ay mga paghahandang isinasagawa sa pisikal na kaanyuaan ng isang komunidad upang maging mas matatag ito sa panahon ng pagtama ng isang panganib.

Samantala, ang non-structual mitigation naman ay tumutukoy sa pagbuo ng isang plano o intelektwal na paghahanda sa panahon ng kalamidad.

Dito pumapasok ang pagkakabuo ng iba’t ibang grupo na itatalaga ng namumuno upang tumulong sa partikular na pangyayari.