Tumutukoy sa sinaunang paniniwala na ang China ang sentro ng kultura at ang may pinakamataas na antas ng sibilisasyon sa mundo?

Katanungan

tumutukoy sa sinaunang paniniwala na ang china ang sentro ng kultura at ang may pinakamataas na antas ng sibilisasyon sa mundo?

Sagot verified answer sagot

Ang sinocentrism ay tumutukoy sa sinaunang paniniwala na ang China ang sentro ng kultura at ang may pinakamataas na antas ng sibilisasyon sa mundo.

Ang sinocentrism kung saan ang sino ay pumapatungkol sa mga tsino, ay ang kanilang paniniwala na sila ang itinuturing na superyor sa buong mundo.

Kabilang sa paniniwalang ito na ang emperador ng kanilang kabihasnan ay anak ng langit o sa ingles ay son of heaven.

Alinsunod sa kanilang kultura, ang anak ng langit ay nag-iisa lamang kung kaya naman ang kanilang emperador ay ang pinuno ng kalupaan sa daigdig. Diumano siya ay pinili ng kalangitan upang pamunuan ang buong kalupaan.