Tungkol saan ang awit na Laging Handa?

Katanungan Sagot

Katanungan

tungkol saan ang awit na laging handa?

Sagot verified answer sagot

Tungkol saan ang awit na Laging HandaAng awiting “Laging Handa” ay isang awiting nagbibigay ng mensahe na maging handa sa mga kalamidad. Ang kanta ay nilikha talaga ng Department of Education (DepEd) para sa kanilang pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month.

Ang awitin ay isang paalala sa madla, lalo na sa mga guro at mag-aaral na maging handa sa oras ng kalamidad at sakuna, lalo na sa ating bansa na taon-taon ay dinaraanan ng malalakas na bagyo.

Sinasabi ng kanta na kung ang bawat isa ay makikiisa sa paghahanda para sa mga kalamidad, siguradong mas bababa ang magiging pinsala ng mga bagyo, lindol, at ano pa mang natural na kalamidad at mga sakuna.