Tungkol saan ang ilustrasyon?

Katanungan Sagot

Katanungan

Tungkol saan ang ilustrasyon?

Sagot verified answer sagot

Tungkol saan ang ilustrasyonAng ilustrasyon ay tumutukoy sa anumang bagay na iginuhit o ipininta. Ang salitang ilustrasyon ay mula sa salitang Kastila na “ilustracion” na ang ibig sabihin sa salitang English ay “illustration” o “explanation.”

Ayon naman sa UP Diksiyonaryong Filipino, ang ilustrasyon ay isang guhit o larawan ng isang aklat, artikulo, o katulad na anyo.

Maaari ding magpakahulugan ang salitang ilustrasyon sa pagbibigay ng halimbawa upang magbigay ng linaw.

Maaari din kasing gamitin ang ilustrasyon upang makapagbigay ng impormasyon tungkol sa isang pangyayari sa pamamagitan ng pagguhit. Kapag sinabing magbigay ng ilustrasyon tungkol sa isang kaganapan, ito ay maaaring magpakita ng mga eksena o kaganapan sa sinasabing pangyayari.