Katanungan
tungkol saan ang napiling headline?
Sagot
Ang napiling headline ay patungkol sa kontraktuwalisasyon pagdating sa usaping manggagawa. Ang kontraktuwalisasyon ay ang sistema nang paggawa kung saan walang direktang ugnayan ang employer at employee dahil dumadaan pa sa mga ahensiya ang mga nasabing manggagawa.
Ginagawa ang kontraktwalisasyon upang makatipid ang mga kompanya sa gastusin dahil mas mababa ang ipinapasahod at kadalasan ay walang benepisyo ang mga kontraktwal na manggagawa.
Kaya naman hanggang ngayon ay napakalaking isyu nito sa ating lipunan at sa bansa. Maraming manggagawa ang nais na mapatanggal ang kontraktwalisasyon bagamat sila ay lubos na naaapektuhan nito at hindi nila nagagawa nang maayos ang kanilang mga trabaho.