Tungkol saan ang patalastas?

Katanungan

tungkol saan ang patalastas?

Sagot verified answer sagot

Ang patalastas na pinamagatang “Pears soap” ay tungkol sa isang ina at anak na kung saan nasisiyahan ang anak sa magandang kutis ng kanyang ina na diumano ay nakamtan ng ina sa paggamit ng naturang sabon.

Ang patalastas ay isang uri ng anunsyo na madalas makita sa telebisyon, madinig sa radyo, at mabasa sa iba’t ibang klase ng social media na naglalayong makahikayat ng mga taong tatangkilik o bibili sa produktong binibigyang pagkakakilanlan.

Ito ang paraan ng mga malalaking kumpanya upang maipakilala ang kanilang mga produkto sa madla na kung saan sila ay gumagamit ng mga kilalang personalidad upang higit na tangkilin ng mga tao.