Isang dalaga ang nahihiwagaan sa kanilang pamilya. Hindi kasi tulad ng ibang pamilya, ang kaniyang ama’t ina ay hindi kailanman nakitaan ng paglalambing sa isa’t isa.
Batid ng dalaga na hindi kakikitaan ninuman ang kaniyang mga magulang ng pagmamahal. Nais pa naman ng dalaga na mas lumaki pa ang kanilang pamilya. Nais niyang magkaroon ng mga kapatid.
Ang pagtataka ng dalaga ay nasagot nang hindi sinasadyang makita niya ang talaarawan ng kaniyang ama.
Sa pagbabasa nito ay natuklasan niya na nagsasama na lamang sa isang bubong ang kaniyang mga magulang, ngunit ang ama ay may iba nang babaeng iniibig. Nakita niya ang larawan nito na nakaipit sa talaarawan.
Nagkasakit ang ama ng dalaga. Sa kabila ng nagawa nitong pagtataksil sa asawa, ay inaruga pa rin siya nito nang maratay ito sa kaniyang karamdaman.
Inilahad ng ama sa kaniyang asawa ang relasyon pa niya sa ibang babae. Kahit masakit sa damdamin ng misis ay tinanggap nito ang relasyon sa kalaguyo ng mister.
Hindi nagtagal ay binawian din ng buhay ang lalaking nagtaksil sa kaniyang asawa. Ngunit bago tuluyang lisanin ang mundo, nagwika ito sa kaniyang anak na maaangkin na nito ang kaniyang kaligayahan dahil wala na siya, wala na ang ama niyang ginawang tigang sa pagmamahal ang kanilang pamilya.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Uhaw Ang Tigang Na Lupa. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!