Katanungan
unang aklat na nalimbag sa pilipinas?
Sagot
Doktrina Christiana sa wikang Espanyol, Christian Doctrine sa wikang Ingles, o Ang Mga Turo ng Kristiyanismo sa wikang Filipino—ito ang titulo ng kauna-unahang aklat na sinasabing nalimbag sa Pilipinas.
Itong aklat na ito ay dala ng mga Espanyol noong sinakop nila ang Pilipinas. Taong 1593 nang mailimbag ang librong ito sa ating bansa.
Ang naglimbag ng Doktrina Christiana ay sina Juan de Plasencia at Domingo Niera. Ang nilalaman ng aklat ay mga aral at iba pang kaalaman patungkol sa Kristiyanismo na siyang pangunahing relihiyon ng mga Espanyol. Nais ng mga Espanyol na ipakalat ang kanilang relihiyon at maging relihiyon rin ng mga Pilipino.