Ang magkapatid na sina Urbana at Felisa ay nagpapalitan ng liham dahil sila ay magkalayo. Si Urbana ay nasa Maynila dahil nag-aaral ito sa isang pamantasang pambabae roon.
Si Felisa naman ay binibigyan ng pangaral ang kaniyang kapatid na si Urbana dahil malayo ito at nasa Maynila.
Ayon kay Felisa, dapat daw ay lumayo sa anumang tukso ang kapatid upang makapag-aral nang maayos at hindi maging sagabal sa kaniyang pagtatapos.
Nais ni Felisa na taglayin din ng kaniyang kapatid ang kaniyang magandang pag-uugali at mahusay na pakikisama kaya naman patuloy ang pagpapaalala niya sa kapatid. Panay ang paalala niya sa kapatid sa mga bagay na dapat ugaliin sa iba’t ibang pagkakataon. Umiwas din daw si Urbana sa mga bisyo.
Si Urbana naman ay nanghihingi ng balita tungkol sa kanilang kapatid na si Honesto. Sinasagot naman siya ni Felisa kasabay ang mga kuwento tungkol sa mga nagaganap sa kanilang lugar na Paombong, Bulacan. Nanghingi rin ng payo si Felisa sa kaniyang ate dahil sa pagpapakasal niya kay Amadeo.
Sa huling bahagi ng kanilang palitan ng liham, malungkot na ibinalita ni Felisa ang pagpanaw ng kanilang ama.
Sabi raw ng tatay nina Urbana, sabihin na lamang sa kaniyang wala na ang ama kung tapos na ang burol upang hindi mag-alala ang kaniyang anak na nasa malayong lugar.
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Urbana At Felisa. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!