Katanungan
uri ito ng pamahalaan kung saan binubuo ng isang lupon ng mga dugong bughaw?
Sagot
Oligarkiya ang tawag sa pamahalaan na kung saan ito ay binubuo ng isang lupon ng mga dugong bughaw upang palitan ang hari.
Ang oligarkiya o oligarchy sa ingles ay isang uri ng pamahalaang pampulitika na kung saan ang mga namamahala ay mula sa mayayamang angkan na kung tawagin ay maharlika.
Ang katungkulan o kapangyarihan sa ilalim nito ay nakukuha mula sa pagpapapasa mula sa isang henerasyon sa susunod na henerasyon.
Ayon sa kasaysayan, ang uri ng pamahalaang ito ay inilarawan bilang malupit at mapang-api. Ang oligarkiya ay tinumbasan ni Aristotle sa salitang plutocracy na ang ibig sabihin ay isang pamahalaang nasa ilalim lamang ng mayayaman.