Katanungan
uri ng tula kung saan nabibilang ang elehiya?
Sagot
Ito ay tula na pandamdamin dahil para ito sa yumao na kakilala, kaibigan o mahal sa buhay kaya napapasok dito ay puro emosyon.
Ginagawa itong elehiya pag namatay upang alalahanin ang kanilang mga naiwan na gawain, mga ala-ala kasama sila, at upang magbigay pugay sa kanilang mga nagawa habang sila ay nabubuhay pa sa mundo.
Ang mga maaaring magsabi ng elehiya ay ang mga kalapit na kaibigan, pamilya, o kaya iba pang kakilala.
Kadalasan malungkot ang pagsasagawa ng elehiya, ngunit minsan din ay may nakakatawa upang pagaanin ang sitwasyon at ayun ang personalidad ng yumao, at sundin lamang ang gusto nito.