Biglang dumating si Lucas at nagulat ang magkasintahang sina Julia at Tenyong. Ibinalita ni Lucas na nadakip ang kaniyang ama at napagbintangan itong isang tulisan. Pinaslang na rin ito ng mga dumakip.
Dahil dito, minarapat nina Tenyong at Lucas na gumanti para sa namayapang ama. Tutol naman sina Julia at Kapitana Puten sa naising ito ni Tenyong. Gayunman, walang nakapigil sa naghihimagsik na si Tenyong.
Nagkahiwalay ang dalawa dahil sa kagustuhang lumaban. Kalaunan ay mayroong nanligaw na ibang lalaki kay Julia. Siya si Miguel. Ito naman ay sinagot ni Julia at itinakda na ang kanilang kasal.
Nagpadala ng liham si Julia kay Lucas upang ipabatid kay Tenyong na siya ay ikakasal na. Ngunit hindi nasagot ni Tenyong ang sulat dahil abala sa digmaan. Pinaabot na lamang niya kay Julia na dadalo siya sa kasal.
Sumapit ang araw ng kasal. Napilitan na si Julia na magpakasal kay Miguel. Bago mag-umpisa ang seremonya ay dumating ang duguang si Tenyong.
Nanghihina na ito kaya naman tinawag na ang pari upang mangumpisal. Hiling ni Tenyong na ikasal siya kay Julia bago bawian ng hininga.
Pumayag naman sina Miguel at pamilya nito dahil mamamatay naman na raw si Tenyong. Pero matapos ang sermonya, bumangon si Tenyong. Nagpanggap lang pala itong napahamak, pero wala itong sugat. Naisahan niya ang lahat!
Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Walang Sugat. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!