Wikang pambigkis sa maraming komunidad

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang wikang pambigkis sa maraming komunidad?

Sagot verified answer sagot

Wikang pambigkis sa maraming komunidadAng wikang pambigkis sa maraming komunidad sa Pilipinas ay ang wikang Filipino. Ito rin ang dahilan kung bakit ang wikang Filipino ang ginawang wikang pambansa.

Ang layunin kasi ng wikang pambansa ay magkaroon ng iisang wikang magiging tulay ng komunikasyon ng buong Pilipinas.

Marami kasing wika sa Pilipinas kaya naman kung walang iisang wikang gagamiting opisyal na wika ng buong bansa, malabo na magkaroon ng pagkakaisa at unawaan.

Kaya naman sa pamamagitan ng wikang pambansa, ng wikang Filipino, ang mga mamamayan ng Pilipinas at maraming komunidad ay makapag-uusap dahil sa wikang Filipino. Itinuturo naman ang wikang ito sa buong bansa.

Sa katunayan, isang asignatura pa nga ang nilikha para maging dalubhasa ang bawat isa sa paggamit nito.