Yumayapos Ang Takipsilim (Buod)

Isang matanda ang bida ng kuwento at mayroon itong dalawang anak, ang panganay na si Ramon at Rey. May kaniya-kaniyang pamilya na ang mga anak niya.

Si Ramon ay may asawang si Carmen at may anak sila na si Lydia. Si Rey naman ay may asawa rin at may anak na si Odet.

Isang araw, kinausap ng apong si Lydia ang kaniyang lola. Tinanong ito kung totoo bang aalis na ang kaniyang lola at titira na sa kaniyang Tito Rey.

Malapit ang bata sa kaniyang lola kaya ayaw nitong malayo sa matanda. Sinabi naman ng matanda na nakasakay sa upuang de gulong na hindi raw siya aalis.

Kinabukasan, kinausap siya ng anak na si Ramon. Sinabi nito na magbabakasyon lamang ang ina sa kaniyang anak na si Rey dahil nananabik na ito sa ina na matagal na ring hindi siya nakakasama.

Dumating na si Rey sa bahay ni Ramon upang sunduin ang ina. Bago kunin ang matanda, nag-usap ang magkapatid sa isang bahagi ng bahay na malayo sa ina. Ngunit hindi nila batid na sinundan sila ng matanda.

Narinig nito ang pag-uusap nina Rey at Ramon tungkol sa ina na hindi naman nila gustong alagaan. Pagod na si Ramon habang ayaw naman ni Rey. Nalungkot ang matanda ngunit tanggap na pabigat na rin siya.

Sana ay nagustuhan ninyo ang buod ng Yumayapos Ang Takipsilim. Check ninyo ang mga iba pa naming posts, marami pa kaming mga buod. Salamat!