Katanungan
pahingi ako ng 10 halimbawa ng mga karapatan ng mga bata
Sagot 
Lahat ng tao sa mundo ay may tinatamasang mga Karapatan. Ang mga bata ay may Karapatan rin kahit sa mura nilang edad. Halimbawa ang mga sumusunod:
- Karapatan magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
- Karapatan na magkaroon ng pamilya
- Karapatan na manirahan sa ligtas na pamayanan
- Karapatan na maging malusog at mabigyan ng sapat na nutrisyon
- Karapatan mag-libang
- Karapatan makapag-aral at mabigyan ng kalidad na edukasyon
- Karapatan magkaroon ng proteksyon laban sa pang-aabuso o anumang panganib at karahasan
- Karapatan maging aktibo at mapaunlad ang kakayahan
- Karapatan matulungan ng pamahalaan
- Karapatan magpahayag ng kanilang sariling pananaw