About Us

Ang kabataan ang pag-asa ng Bayan -Jose Rizal

Handog namin sa lahat ng mga taong gustong matuto ang Panitikan.com.ph. Isang website na nakalaan para sa pagturo at pagkalat ng kaalaman sa lahat ng Pilipino. Bata o matanda, pakay namin na turuan kayo tungkol sa mayamang kultura at malawak na kasaysayan ng Pilipinas. Sa panahon ngayon ng digital age, napakadali nalang matuto kung iyong gugustuhin lamang.

Bisyon At Misyon

Marami sa atin ang lumaking wala sa tabi ang magulang, merong OFW, merong seaman, meron ding isa lang ang magulang. Alam namin ang pakiramdam, dahil karamihan sa mga bumuo ng website na ito ay nasa kategoryang iyon.

Mahirap para sa bata kapag wala dyan ang magulang para gumabay at mag-turo sa kanilang anak. Ang pakay namin ay kahit papaano, matulungan at gabayan ang mga batang ito sa kanilang pag-aaral.

Andito kami para maiparamdam at mapaintindi sa mga bata ng bagong henerasyon na ang istorya ng ating bansa ay importante. Andito kami para matutunan ng mga bata na ang pagiging Pinoy ay napaka-taas na karangalan. Andito kami para ipaalam sa mga bata na ang edukasyon ay importante para sa kanilang kinabukasan.

Naniniwala kami na hindi nagtatapos sa eskwelahan ang pagiging estudyante. Ang pagkauhaw ng ating utak sa mga bagong kaalaman ay panghabang-buhay. Hindi dapat ipagkait sa mga taong gustong matuto ang kaalaman.

Sana ay makatulong kami sa lahat ng Pilipinong gutom sa kaalaman. Bata man o matanda, naniniwala kami na mayroon kayong mapupulot na aral dito.

Maraming salamat po sa inyong pagtangkilik sa Panitikan.com.ph

Mabuhay!

This page was last updated on December 15, 2020