Kultura

« Back to Glossary Page
Synonyms:
Culture

Ang kultura ay isang bagay na nagtutukoy sa paraan kung paano nabubuhay ang isang lugar o grupo at kung ano ang katangi-tanging pagkakakilanlan nito.

Sa kultura nakikilala ang isang komunidad o bansa dahil dito makikita kung gaano ito kayaman at kamalikhain ng mga katutubo, pati na rin ng mga kasalukuyang mamamayan na kung gaano sila kahusay mag-preserba ng kultura noon.

Mayroon dalawang uri ng kultura, ang kultural materyal at hindi materyal. Ang kulturang materyal ay nahahawakan tulad ng mga pananamit, mga kagamitan, tirahan o pagkain.

Habang ang hindi materyal naman ay ang kaugalian o nakalakihang paniniwala, sining, paraan ng pananalita o wika, at relihiyon.