Katanungan
10 halimbawa ng mga bagay na nagsisimula sa letrang E?
Sagot
Ang 10 halimbawa ng mga bagay na nagsisimula sa letrang E ay:
- Embotido o isang uri ng ulam na kung saan ito ay binubuo ng giniling na karne na ibinabalot gamit ang aluminyum
- Eskoba o gamit sa paglilinis ng inidoro
- Eskwala na isang uri ng panukat at madalas na gamit ng isang karpintero
- Espasol na isng uri ng pagkain na may pulbos na puti at madalas ibinabalot gamit ang papel
- Estatwa o ang isang baton a hinugis sa iba’t ibang wangis
- Empanada o isang klase ng tinapay na mayroong palamang maaaring karne, tuna, keso, at iba pa
- Elesi o ang umiikot na parte ng isang bentilador
- Eroplano na isang panghimpapawid na sasakyan
- Espada o isang bagay na inilalarawan bilang matalas at matulit
- Ensaymada na isang klase ng tinapay na nilalagyan sa ibabaw ng asukal at mantikilya.