4 Na Salik Ng Produksyon?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang apat Na Salik Ng Produksyon?

Sagot verified answer sagot

Lupa, kapital, paggawa, at entrepreneurship – ito ang apat na salik ng produksyon. Ang lupa ay tumutukoy sa pinagkukuhanan ng likas na yaman, na siyang nagiging hilaw na materyales sa proseso ng produksyon.

Capital naman ang sumasangguni sa lahat ng kagamitan, kasangkapan, o makinarya na ginagamit sa proseso ng produksyon. Maaari rin itong tumukoy sa salapi.

Kaakibat naman ng capital ang paggawa. Ito ay tumutukoy sa mga manggagawa na kumikilos upang mapatakbo ang produksyon nang maayos.

At ang entrepreneurship naman ay ang kakayahan ng isang tao na magpatakbo ng negosyo. Ang apat na salik ng produksyon na ito ay importante upang masimulan ang produksyon.