Katanungan
alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong noong panahong pre-historic?
Sagot
Noong panahanong Pre-historic, isa sa mga kabihasnang umusbong sa kontinenteng Amerika (partikular na sa bahaging Mesoamerica o gitnang Amerika) ay walang iba kung hindi ang kabihasnang Olmec.
Gaya ng mga sumunod na sibilisasyon rito na mas naging tanyag—ang Mayan at Aztec—kahang-hanga rin naman ang nagging kontribusyon ng kabihasnang Olmec sa iba’t-ibang larangan.
Isa sa pinakakilalang ambag ng kabihasnang Olmec sa kasaysayan ay ang paglalaro ng bola, kung saan sinasabi ay hinango ang larong soccer o football sa kasalukuyang panahon.
Isa rin ang kabihasnang Olmec sa nagpasimula ng sinaunang pagsusulat, ang pagkakaroon ng kalendaryo, at marami pang ibang bagay.