Katanungan
Alin sa mga pagpapahalagang iyan ang iyong naisasabuhay Magbigay ng isang halimbawa?
Sagot
Sa mga pagpapahalagang ibinigay sa loob ng kahon, ang aking maisasabuhay ay ang katatagan ng loob.
Ang katatagan ng loob ay isang mahalagang pagpapahalaga na dapat taglayin ng bawat indibidwal upang mapagtagumpayan ang bawat hamong kahaharapin sa buhay.
Bilang isang mag-aaral, may iba’t ibang suliranin akong kinahaharap na natitiyak kong hindi madaling harapin sapagkat nakaaapekto ito sa aking pag-aaral gaya na lamang ng pagbabago ng paraan ng pagkatuto sa kasalukuyang taong panuruan.
Dahil sa pandemya, naging ams mahirap ang pagkatuto dahil nangangailangan ng iba’t ibang kagamitan at karagdagang pinansyal upang matugunan ang bawat pangangailangan.
Upang mapagtagumpayan ito, nararapat na matatag ang loob ko na harapin ang hamon upang hindi mawala o masira ang aking pangarap.
Kung magiging matatag ako, malalampasan ko ang paghihirap na ito at maaari kong makamit ang aking mga layunin sa buhay.