Alin sa sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng produksyon?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

alin sa sumusunod ang nagpapatunay na mayroong naiibang katangian ang ating lupa?

Sagot verified answer sagot

Itinuturing na fixed o takda ang bilang – ito ang kadahilanan na nagpapatunay na may naiibang katangian ang lupa bilang salik ng produksyon.

Lupa ang salik ng produksyon na tumutukoy sa lugar na pinanggagalingan ng mga hilaw na materyales o pinagkukunang mga likas na yaman upang makabuo ng iba’t-ibang produkto.

Maaari rin itong tumukoy sa mga gusali o iba pang espasyo kung saan nagaganap ang proseso ng produksyon. Sinasaad ng mga dalubhasa sa ekonomiks na ang lupa ay may takdang bilang o tinatawag nilang fixed, kaya naman ay kinakailangang matiyak, mahusay, produktibo, at hindi maaksaya ang paggamit sa salik ng produksyon na ito.

Ang lupa ay isang regalo sa atin ng kalikasan, mahalaga na pag-ingatan natin ito at huwag abusuhin dahil wala ng kapalit ang likas na yaman na ito. Nauubos ang lupa. Kaya sana ay iwasan natin ang pagsira sa kalikasan na ating napapakinabangan.