Katanungan
Ano po ang bahagi ng isang tula na nagpapahayag ng ganda at kariktan nito?
Sagot
Tulad ng ibang panitikan, ang isang tula ay nahahati rin sa mga bahagi. Ang bahagi ng tula, sa aking palagay, na nagpapakita ng kagandahan at kariktan nito ay matatagpuan sa gitnang bahagi nito o sa tinatawag na katawan.
Sa bahaging ito na kasi nagiging malinaw ang mensaheng nais iparating ng manunulat at maging na rin ang tema na ipinapahayag ng tula.
Dito na lubos na nauunawaan ng mambabasa ang tula at dito rin kadalasan gumagamit ng mga mabubulaklak at mababangong salita ang may akda. Maikli man o mahaba ang tula ay sa katawan talaga nito makikita ang pinakadiwa ng akda.