Katanungan
ang aktibong pagkamamamayan ay mahalaga sapagkat?
Sagot
Ang aktibong pagkamamamayan ay mahalaga sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
Ang aktibong pagkamamamayan ay isang klase ng pilosopiya na kung saan ibinibigay ito sa bawat indibidwal na miyembro ng isang lipunan.
Ang mga mamamayang aktibo na mula sa iba’t ibang pamayanan ay nakikisangkot sa mga bagay na kapaki-pakinabang sa lugar na kanyang tinitirhan at nakikilahok sa iba’t ibang isyung panlipunan.
Isa sa mahalagang ginagampanan ng mga mamamayang aktibo ay ang karapatan at kawilihang bumoto ng mga ihahalal na pinuno ng lipunan t ng bansa sapagkat sakanila nakasalalay ang tamang pagpili sa mapagkakatiwalaang mga pinuno ng pamahalaan.