Ang bandala ay sapilitang pagbili ng mga produkto (tama o mali)?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ang bandala ay sapilitang pagbili ng mga produkto (tama o mali)?

Sagot verified answer sagot

Mali. Ang bandala ay hindi ang sapilitang pagbili ng mga produkto. Bagkus, ito ang isang patakaran kung saan sapilitan ang pagtitinda o pagbebenta ng mga produkto sa pamahalaan.

Ipinatupad ito noong kolonyal na kapanahunan ng mga Espanyol sa Pilipinas. Isa lamang ito sa mga mapang-abuso at mapang-alipin na sistemang inilunsad sa ilalim ng pananakop ng Espanya.

Ang bandala ay ang sapilitang pagtitinda ng mga ani at kalakal, partikular nan g mga magsasakang Pilipino, sa pamahalaan ng Espanya.

Maraming mga magsasakang Pilipino ang tumutol rito sapagkat napakababa ng halagang binibigay ng pamahalaang Espanyol sa mga kalakal at ani kumpara sa tamang halaga na dapat naibebenta ang mga produkto.