Katanungan
ano-ano ang hakbang sa pagkilalang maayos sa mga nakalimbag na simbulo at sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa?
Sagot
Persepsyon naman ang tawag sa hakbang sa pagkilala sa mga nakalimbag na simbulo at maging sa pagbigkas nang wasto sa mga simbulong nababasa.
Isa ito sa mga hakbang na sinusunod sa pagbabasa upang mas maunawaan at maintindihan ang babasahing aklat o iba pang lathalain.
Sa pamamagitan ng pagkilala ng mga simbolo sa mga binabasa ay mas napapadali ang kumprehensyon (na isa ring hakbang sa pagbabasa) ng isang tao.
Kinakailangan talaga ang persepsyon kapag nagbabasa dahil pinapaigting nito ang pang-unawa ng isang tao.
Iniiwasan rin nito ang pagkalat ng maling impormasyon o kaalaman at iba pang maaaring ikapahamak ng isang mambabasa.