Ang kasalukuyang kalagayan at pangarap ko sa aking pamilya?

Katanungan

Ano ang kasalukuyang kalagayan at pangarap ng inyong pamilya?

Sagot verified answer sagot

Marami akong pangarap para sa aking pamilya. Sa kasalukuyang kalagayan namin, masaya naman ang aming pamilya dahil buo at sama-sama pa rin kami.

Ngunit hindi naman maiiwasan na gugustuhin ko pa ring mas umunlad at mas sumaya ang kalagayan ng aking pamilya.

Isa sa mga pangarap ko sa aking pamilya ay mas guminhawa pa ang buhay, lalo na ngayon na napakahirap dahil sa taas ng mga bilihin.

Ikalawang pangarap ko ay magsama-sama pa kami nang mas matagal at maging malusog pa ang bawat miyembro. Pangarap ko ring makapagtapos nang pag-aaral, hindi lamang ako, kung hindi maging na rin ang aking mga kapatid.