Katanungan
ang memorandum ay isang halimbawa ng?
Sagot
Ang memorandum o kadalasang tinatawag nalang bilang memo ay isang halimbawa ng transaksyunal na sulatin. Ang mga transaksyunal na sulatin ay mga uri ng sulatin na direkto at pormal ang mensahe.
Talagang magandang halimbawa nito ang isang memorandum. Ang memorandum ay tumutukoy sa isang lathalain kung saan nakatala ang mga mahahalagang impormasyon, mga anunsyo, at buod ng bawat pulong na kinakailangan ipakalat sa isang kompanya.
Dahil ito ay ginagamit sa negosyo o paghahanapbuhay, natural lamang na gumamit ng mga pormal na salita at gramatiko ang isang memorandum bagkus ito ay nagpapakita ng pagka-propesyonal. Kadalasan ang presidente ng kompanya ang pumipirma sa mga memorandum.