Ang mga suliranin at isyu sa paggawa ay?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ang mga suliranin at isyu sa paggawa ay?

Sagot verified answer sagot

Ang paggawa ay tumutukoy sa paraan kung paano nabubuo ang mga produkto at serbisyo na ating tinatangkilik ngayon.

May mga isyu at suliranin na kinakaharap ito na minsan ay nakakasagabal sa pagkakaroon ng maayos na produkto at serbisyo. Isang isyu ng paggawa ay ang pagkakaroon ng hindi sapat na lakas ng paggawa o mga manggagawa minsan.

Nagiging isyu rin ang kawalan ng materyales dahil minsan ay hindi sapat ang pinagkukunang likas yaman.

Matinding suliranin rin ang isyu ng kontraktuwalisasyon kung saan hindi nabibigyan ng permanenteng posisyon ang maraming manggagawa. Kaakibat nito ang mababang pasahod, pang-aabuso ng kumpanya o ahensya, at marami pang iba.