Katanungan
Ang minimithi kong lipunan
Sagot 
Ang minimithi kong lipunan ay ang lipunan na may kaayusan at pagkakaisa. Lahat naman tayo ay naghahangad ng isang paligid na puno ng katiwasayan.
Kung maayos at ligtas kasi ang lipunan at paligid na ginagalawan natin, siguradong lahat ay masaya at panatag lamang.
Kung panatag ang bawat tao, ang mas maraming oras nila ay maitutuon lamang sa pagpapaunlad ng sarili at hindi na aalalahanin pa ang seguridad.
Mahalaga rin ang isang kapaligiran o lipunang nagkakaisa. Kung may pagtutulungan at kooperasyon kasi ang bawat isa, siguradong mapayapang mamumuhay ang mga mamamayan. Kung may pagtutulungan, mas malaki rin ang pagkakataon na makamit ang inaasam na kaunlaran.