Katanungan
Ang sakit kapag naagapan madali itong malulunasan kahulugan..
Sagot 
Nangangahulugan ang salawikain na ito na ang isang karamdaman o maging isang problema, kapag maagang inaksyunan at maagang hinanapan ng solusyon, ay mas madali itong malulutas.
Hindi na dapat pa pinalalala ang isang sakit o problema bago gamutin o hanapan ng solusyon. Kung mayroon nang nararamdamang simtomas o nakikitang suliranin, hindi na kailangang patagalin pa o ipagsawalang bahala.
Dapat ay maaga pa lamang ay kumilos na. Makatutulong din ito sa isang tao na maging mas madali ang paglutas. Kapag kasi mas pinalala pa o mas pinatagal, maaaring magbunga na ito ng iba pang problema o sakit kaya naman mas mahirap na itong resolbahin pa.