Katanungan
ang sanaysay ay mabibilang sa anyong?
Sagot
Ang sanaysay ay isang uri ng pagsusulat na nabibilang sa tuluyang anyo ng panitikan. Binubuo ng mahigit sa limang pangungusap ang isang sanaysay.
Layunin nito na magpahayag ng impormasyon, damdamin, at iba pang naratibo sa mambabasa. Kapag sinabing tuluyang anyo ng panitikan, ibig sabihin ay natural ang pagkakasulat nito.
Sa kabilang banda naman, ang tula ay siyang hindi nabibilang sa uri na ito ng panitikan. Ito ay dahil ang mga tula ay sumusunod sa anyo ng panitikan na kung tawagin ay patula.
Ito ay ang pagpapahay ng damdamin gamit ang mga magkakatunog na salita sad ulo ng bawat berso gaya sa isang tula.