Ano ang adbokasiya ng gawad kalinga?

Katanungan Sagot

Katanungan

Ano ang adbokasiya ng gawad kalinga?

Sagot verified answer sagot

Pagpuksa sa kahirapan ang layunin ng gawad kalinga. Ang Gawad Kalinga na sinasabing itinatag ni Tony Meloto ay isang kilusan na narito sa Pilipinas na may layong puksain ang kahirapan.

Ito ay naitatag sa bansa taong 2003 subalit pinaniniwalaang nagbibigay serbisyo na ito noong taong 1994 pa lamang. Nais ng kilusang ito na sana ay mawakasan ang kahirapan sa pagsapit ng taong 2024.

Ang serbisyo ng kilusang ito ay pinaniniwalaang nag-ugat sa Bagong Silang, ang lugar kung saan matatagpuan ang may pinakamalaking bilang ng mga iskwater o sa ingles ay squatters, ito ay mga taong nakatira sa mga lupa na ang nagmamay-ari ay hindi sila.