Katanungan
ano ang aking pagkaunawa at reyalisasyon sa bawat konsepto at kaalamang ito?
Sagot
Kabutihang panlahat—dalawang salita lamang ito ngunit ang laman nito ay mga aral at pagpapahalaga na kailangan nating matutunan.
Ang realisasyon ko sa dalawang salita na ito ay dapat tayong maging mabuting mga mamamayan. Hindi lamang para sa ating sarili, kung hindi na rin para sa ating kapwa. Kapag ang lahat ay mabuti, makabubuo tayo ng matiwasay at mapayapang lipunan.
Ang kabutihang panlahat ay maaari nating ihanay sa nangyayari sa atin ngayon. Ngayon ay may pandemya at nagsimula na ang pagbabakuna upang magkaroon ng herd immunity.
Ang pagkuha ng bakuna ay hindi lamang para sa ating sariling kaligtasan ngunit para sa kabutihang panlahat.