Ano ang argumento (kahulugan tagalog)?

Katanungan

ano ang argumento (kahulugan tagalog)?

Sagot verified answer sagot

Argumento, o sa wikang Ingles ay argument, ay tumutukoy sa diyalogo o teksto kung saan kadalasan ay may magkasulangat na opinyon o paniniwala ang dalawang nag-uusap o ang isang manunulat patungkol sa kanyang inilalathala.

Mababasa o maririnig natin ang panig ng manunulat na gumagamit ng argumento. Ngunit hindi lamang nakabatay sa kanyang opinyon ang kanyang argumento.

Kailangan rin niya manaliksik ng mga datos at impormasyon upang mas mapatibay niya ang kanyang argumento. Hindi maaaring makipag-argumento ang isang tao na walang pruweba.

Kahit may opinyon siya tungkol sa isang bagay o paksa ay kinakailangan pa rin niyang patunayan ito gamit ang katotohanan.