Ano ang awiting bayan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang awiting bayan?

Sagot verified answer sagot

Ang awiting bayan ay ang mga awitin mula sa mga ninuno ng Pilipino na patuloy pa rin kinakanta hanggang ngayon.

Mula sa iba’t ibang lugar ang awiting bayan na inilalarawan kung gaano kayaman at ka-malikhain ang mga ninuno noon.

Bukod pa rito, isa itong manipestasyon na nananatili pa rin ang tradisyon ng mga ninuno hanggang sa kasalukuyang panahon.

Ang mga halimbawa ng mga awiting bayan ay ang mga sumusunod: Leron Leron Sinta, Paru-Parong Bukid, Bahay Kubo, at Atin Cu Pung Singsing.

Iba iba rin ang bitbit na mensahe ng mga awiting bayan tulad na lamang ng pananampalataya, kalungkutan, pag-ibig, at kagandahan ng buhay.