Ano ang Batas Cooper?

Katanungan

Ano po ang Batas Cooper?

Sagot verified answer sagot

Ang Batas Cooper, na mas kilala bilang Batas ng Pilipinas ng 1902 o Philippine Bill of 1902, ay mahalaga sa ating kasaysayan. Ito kasi yung unang batas na ipinatupad ng Estados Unidos noong sila’y nasa Pilipinas.

Ang batas na ito ay naglalaman ng mga probisyon tungkol sa karapatang pantao ng mga Pilipino, pero base sa pananaw ng mga Amerikano.

Kasama sa mga karapatang itinakda ng batas ay yung kalayaan sa pananalita at pagpapahayag, proteksyon laban sa pagkakabilanggo dahil sa utang, pagiging pantay-pantay sa harap ng batas, at kalayaan mula sa pagkaalipin.

Importante rin ito dahil sa batas na ito, itinatag yung ilang kagawaran ng pamahalaan at ang asemblea sa Pilipinas, na naging kilala bilang Batasan ng Pilipinas.