Ano ang Ceteris Paribus?

Katanungan

Ano po ang ibig sabihin ng “ceteris paribus”?

Sagot verified answer sagot

Ang ceteris paribus ay isang parirala mula sa wikang Latin. Kung ito ay isasalin sa wikang Filipino, nangangahulugan itong walang ibang salik na nagbabago o magbabago. Sa wikang Ingles naman ay “all other things remain constant.”

Ginagamit ang pariralang ito bilang reperensiya sa larangan ng ekonomiks, kung saan pinag-aaralan ang iba’t-ibang salik sa ekonomiya tulad ng produksiyon, distribusiyon, at iba pa.

Isa itong indikasyon na kapag ang isang salik ng ekonomiya ay nagbabago, ang mga iba pang salik ay kailangan pantay-pantay o hindi magbabago.

Tinitignan nito kung alin ba sa mga salik ng ekonomiya ang pabago-bago at alin ang kayang maging pareho sa loob ng isang panahon.