Ano ang Command Economy?

Katanungan

ano ang command economy?

Sagot verified answer sagot

Pagdating sa ekonomiks, may isang termino tayong tinatawag na command economy. Ang depenisyon ng command economy ay tinutukoy nito ang uri ng ekonomiya sa isang politikal na estado kung saan ang gobyerno lamang ang may awtoridad.

Responsibilidad lamang ng pamahalaan na pangasiwaan ang dami ng produkto at serbisyo, ang mga presyo, at iba pang aspeto na bumubuo sa isang ekonomiya.

Kadalasan, ang mga industriya at kompanya sa ilalim ng isang command economy ay pagmamay-ari ng publiko o di kaya naman ay ng gobyerno.

Sinasabing ang command economy ay madalas makikita sa merkado ng mga komunistang bansa dahil free market ang sinusunod ng mga kapitalistang bansa tulad ng Pilipinas.