Ano ang compost pit?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

ano ang compost pit?

Sagot verified answer sagot

Ang compost pit ay isang hukay na ginagawa sa lupa upang magsilbing basurahan o tapunan ng mga basurang nabubulok.

Isa sa mga itinuturong nakatutulong upang mabigyan ng solusyon ang lumalalang problema sa basura ang paggamit ng compost pit na kung saan ang mga basurang nasa ilalim ng kategorya ng nabubulok ay maaaring itapon dito tulad ng dahon, prutas, balat ng prutas, at iba pa.

Ang compost pit ay mayroong dalawang gamit: una, ang pagiging tapunan ng mga basura at ang ikalawa naman ay maaari itong gamitin upang maging pataba sa mga halaman o pananim. Ito ay sinasabing mainam na uri ng organikong pataba.