Ano ang cyberbullying paano ito naiiba sa pambubuska nang harapan?

Katanungan Sagot

3

Katanungan

ano ang cyberbullying paano ito naiiba sa pambubuska nang harapan?

Sagot verified answer sagot

Ang cyberbullying ay isang anyo ng pang-lalait o panunukso gamit ang teknolohiya. Ito ay naiiba sa pambubuska ng harapan sapagkat ito ay madalas ginagawa sa social media gamit ang mga makabagong teknolohiya.

Ang pambubuska o ang hindi makatarungang panlalait o panunukso sa kapwa ay isa sa mga isyung sosyal na kinahaharap ng bansa partikular na sa larangan ng edukasyon sapagkat ito ay nagbibigay ng matinding epekto sa biktima.

Ito ay maaaaring isagawa ng harapan na sa isang malalang sitwasyon, ang biktima ay nakatatanggap ng mga hindi angkop na salita gayundin ang pisikal na pananakit.

Samantala, ang cyber bullying naman ay sa pamamagitan ng teknolohiya na siyang nakasisira sa ngalan at imahe ng biktima.