Ano ang dahilan ng kakapusan?

Katanungan Sagot

Katanungan

ano ang dahilan ng kakapusan?

Sagot verified answer sagot

Ano ang dahilan ng kakapusanIba-iba ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng kakapusan sa isang ekonomiya. Ang unang dahilan ay ang paggasta o hindi maayos na paggamit ng yamang likas ng isang lugar.

Kung hindi maayos ang paggamit ng yaman ay magkakaroon talaga ng kakapusan. Isa pa sa mga dahilan ay ang hindi mapigilang paglobo ng populasyon.

Dahil sa lumalaki at dumarami ang bilang ng mga tao, hindi na rin naiiwasang kapusin ang yaman, produkto, at serbisyong nalilikha ng isang ekonomiya kaya naman hindi na ito sumasapat para sa lahat ng mamamayan. Nahihirapan na ang kalikasan na muling likhain ang mga yaman upang matugunan ang pangangailangan ng marami.