Katanungan
Nagpapatupad po ba ng promosyon dahil sa anumang dahilan?
Sagot
Promosyon ang tawag sa proseso ng paghihikayat sa mga konsyumer na bumili o tangkilikin ang isang produkto o serbisyo.
Isinasagawa ito upang mas mapadami ang mga mamimili at mas maging patok o sikat sa mga mamamayan ang ibinebenta.
Kapag mas maraming mga produkto o serbisyo ang naibebenta ay mas lumalaki ang kita ng negosyo o kumpanya kaya naman maganda ito para sa kanilang paglago at pag-unlad. Maraming iba’t-ibang uri ng promosyon.
Halimbawa nito ay ang pamimigay ng mga flyers at leaflets na naglalaman ng impormasyon tungkol sa produkto o serbisyo. Meron ring promosyon sa pamamagitan ng pagpapalabas sa telebisyon o kaya naman ay sa internet.